Isang makapangyarihang paraan kung paano baguhin ang buhay sa mas nakabubuti.
Ang apat na hakbang sa pagpapatawad ay magbibigay sa iyo ng mabilis at madaling paraan upang magsimulang magpatawad. Maari itong magbigay gabay sa mas malalim at malawakang pagbabago sa iyong buhay. Ang kapangyarihan nito ay nasa pagiging simple nito, kaya’t simulang gamitin ito at ikaw na mismo ang makakakita.
Ang apat na hakbang na ito ay maaring magamit malaki o maliit man ang isyu. Ngunit, mas makabubuti kung magsisimula ka sa maliliit na isyu hanggang sa makakuha ka ng ideya. Sa totoo lang, hindi tamang subukang magpatawad kung maari itong magdulot ng karagdagang pagdurusa; kailangan mong magkaroon ng karanasan at pag-unawa sa buong proseso ng pagpapatawad (tingnan ang Tough Forgiveness and Reconciliation). Mag-isip ng maliit na isyu na gusto mong patawarin at subukan ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba.
Ang Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
Mas makabubuting gawin ang apat na hakbang sa pamamagitan ng pagsusulat nito hanggang sa makakuha ka ng karanasan.
Unang hakbang: Isulat kung sino ang kailangan mong patawarin at kung para saan.
Ikalawang hakbang: Tanggapin mo kung ano ang kasalukuyan mong nararamdaman tungkol sa sitwasyon. Makabubuting maging totoo sa iyong nararamdaman, hindi ang mabuti, at mabait na mga bagay na iniisip mong dapat mong maramdaman. Kailangan mong matutunang intindihan ang tunay mong damdamin. Pagkatapos ay ipakita mo ang kagustuhang maging bukas sa posibilidad ng pagpapalaya sa mga damdaming iyon.
Ikatlong hakbang: Isulat ang iyong magiging pakinabang kung ikaw ay magpapatawad. Ito ay ang mga bagay na kabaliktaran ng iyong nararamdaman. Ang kalungkutan ay magiging masaya, ang galit ay magiging kapayapaan, ang mabigat ay magiging magaan, at marami pang iba. Kung hindi ka sigurado sa mga benepisyong matatamo, pumili lang mga ilang magagandang pakiramdam na gusto mong maramdaman simula ngayon (masaya, mas payapa, mas may lakas ng loob, etc). Makatutulong kung iisipin mong mas magiging maayos ang iyong pakiramdam kung ikaw ay magpapatawad.
Ikaapat na hakbang: Ipangako ang sarili sa pagpapatawad. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasaad kung sino ang nais mong patawarin at tinatanggap mo ang mga benepisyo na matatamasa mula sa pagpapatawad.
Kadalasan, makakagawa ka ng Apat na Hakbang na katulad nito:
Unang Halimbawa:
Isipin mong ang kaibigan mong si John ay sinisimulang iwasan ka at hindi mo alam kung bakit.
1. Handa akong patawarin si John sa pag-iwas niya sa akin.
2. Ngayon, pipiliin kong pakawalan ang lungkot, galit, at takot. (Maari ka pang mag-dagdag ng mga emosyong nais mong pakawalan kung kinakailangan).
3. Tinatanggap ko na ang pagpapatawad kay John ay makatutulong sa aking maging mas masaya, makabubuti sa kalusagan, at magiging mas payapa.
4. Ipinapangako kong patawarin si John at tinatanggap ang kapayapaan at katiwasayan na dulot ng pagpapatawad.
Ikalawang Halimbawa:
Sa halimbawang ito, si Janet, iyong kasintahan, ay pinutol ang inyong relasyon.
1. Gusto kong patawarin si Janet sa pag-iwan niya sa akin.
2. Pinipili kong pakawalan ang pag-sisisi, pang-iiwan, at takot.
3. Tinatanggap ko na ang pagpapatawad kay Janet ay makatutulong sa akin upang maging mas malinaw, mas masaya, at makagawa ng mas maayos na relasyon sa hinaharap.
4. Ipinapangako kong patawarin si Janet at tinatanggap ang kapayapaan at katiwasayan na dulot ng pagpapatawad.
Ikatlong Halimbawa:
Sa halimbawang ito, ikaw ay nawalan ng trabaho.
1. Nais kong patawarin ang aking amo sa pagtanggal sa akin.
2. Pinipili kong pakawalan ang galit, lungkot, pagiging hindi patas, at pagkabigo.
3. Tinatanggap ko na ang pagpapatawad sa aking amo a makatutulong sa akinupang mas maging positibo, mas masaya, at makahanap ng mas maayos na trabaho sa hinaharap.
4. Ipinapangako kong patawarin ang aking amo at tinatanggap ang kapayapaan at katiwasayan na dulot ng pagpapatawad.
Para matulungan ka sa mga hakbang, ito ang worksheet para sa Apat na Hakbang sa Pagpapatawad.
Worksheet ng Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
I-download ang libreng eBook
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad PDF
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad EPUB
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad KINDLE
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
Isang pinakamakapangyarihang paraan patungo sa iyong kalayaan, kaligayahan, at tagumpay.
William Fergus Martin
ISBN: 978-1-942573-49-4