Papalayain ka ng iyong pagpapatawad.
Makikinabang ka nang malaki kung pipiliin mong magpatawad at ganun rin ang mga taong nakapalibot sayo. Ito ma’y ang pagpapatawad sa iba, o pagpapatawad sa iyong sarili, ang pagpapatawad ang siyang magpapalaya sayo mula sa nakaraan at tutulong sayong makamit ang iyong buong potensyal. Ang pagpapatawad ang tutulong sayo na lumaya sa mga limitadong paniniwala at pag-uugali. Papalayain nito ang iyong kaisipan at emosyunal na enerhiya upang magamit mo ito sa mas mainam na paraan tulad ng paglikha ng mas maayos na buhay.
Ang pagpapatawad ang siyang tutulong sayo na makamit ang pinaka praktikal at mga madaliang layunin. Siguro, ninanais mo na magkaroon ng mas maayos na trabaho, kumita ng mas malaki, magkaroon ng mas maayos na pagsasama sa mga taong mahal mo, o tumira sa mas magandang lugar. Ang pagpapatawad ang tutulong sa iyong makamit ang lahat ng ito. Kung hindi ka nagpatawad, may bahagi ng iyong buhay o enerhiya ang nakakulong pa rin sa sama ng loob, galit, sakit, o anumang uri ng pagdurusa. Ang enerhiyang nanatiling nakakulong ang mag-uudlot sayo sa maraming bagay. Ito ay tulad sa pagsakay sa isang bisekleta na maya’t mayang pumepreno. Pinababagal ka nito kung saan maari kang maging iritable at mahirap para sa iyo ang umusad.
Ang mga desisyong iyong ginagawa at mga bagay na iniisip mong posible ay maaring ma-impluwensyahan dahil sa mga paraang hindi ka nagpatawad. Habang ikaw ay natututong magpatawad, ang enerhiyang nagbibigay sayo ng kalungkutan at iba pa ay mapapalaya at maghahatid sa iyo na lumikha ng buhay na iyong pinapangarap sa halip na magpahinto sayo o gumawa pa ng mga higit na pagdurusa.
Kung ayaw mong matutong magpatawad para sa ikabubuti ng iyong sarili, marapating matutong magpatawad sa ikabubuti ng iba. Habang ikaw ay nagpapatawad, natutulungan mo ang mga taong nasa paligid mo. Magiging mas malinaw ang iyong pag-iisip at madalas kang positibo. Marami kang maibibigay at handing magbahagi ng kung ano man ang mayroon ka. Ikaw ay natural na magiging mabait, mapagbigay, at maalala sa iba – ng hindi man lang nahihirapan. Magkakaroon ka ng mas masaya at positibong ugali sa mga tao sa buhay mo at ganun rin sila sayo.
Hindi nga ba’t mas madaling makisama sa taong marunong magpatawad kaysa sa hindi? Siyang tunay. Ang isang taong mapagpatawad ay mas maayos kasama kaysa sa mga taong hindi. Ang kaledad ng iyong buhay ay naka depende sa kaledad ng kasa-kasama. Bawat aspeto ng iyong buhay ay magbabago para sa ikabubuti habang ikaw ay nagpapatawad; ito ma’y sa iyong pamilya, sa iyong trabaho, o sa mga kaibigan. Sa iyong pagkatutong magpatawad, mapainam ang iyong mga relasyon, sapagkat ang ugali mo ay magbabago. Habang ang iyong mga relasyon sa ibang tao ay umaayos, lahat ng aspeto ng iyong buhay ay aayos din.
Kung hinahangad mong umangat pa upang magkaroon ng mas maayos na buhay pinansyal at tagumpay, ang pagpapatawad ang tutulong sa iyong makamit ito. Halimbawa, kung nais mo ng mas maraming salapi sa iyong buhay, kailangan mong siguraduhin na hindi mo pinasasama ang loob ng iba na may mas maraming salapi kaysa sa iyo. Ang mga taong mas nakakaangat sa iyo ang higit na makakatulong sa iyo kung paano mo makakamtan ang kanilang tinatamasa. Kung kabaliktaran naman ang iyong gagawin, ang mga taong “mas nakakaangat” kaysa sa iyo ay hindi katutulungan, sapagkat hindi ka bukas sa kanila bagkus binibigyan pa sila ng sama ng loob. Sa katulad na paraan, kung ikaw ay may positibong pag-uugali sa mga taong mas matagumpay kaysa sa iyo (ngumiti sa kanila at huwang sumimangot) makikita nilang ikaw ay madaling lapitan at mas nanaising makipagtrabaho o makipag-kaibigan sa iyo.
Kung nais mo ng mas mainam na trabaho, at kumita ng mas marami, ang pagkakaroon ng positibong ugali sa iyong pinagtatrabahuan, sa iyong boss, sa iyong mga katrabaho, at sa iyong mga kliyente o customers ay sadyang makakatulong ng malaki. Ang mga taong may positibo at matulunging saloobin ang laging nangunguna sa kahit anong sitwasyon. Hindi ka kailanman magtatagumpay sa isang organisasyong hindi mo gustong magtagumpay, dahil hindi mo ibibigay ang lahat. At kung hindi mo ibibgay ang iyong lahat, sa pag-gawa ng pinaka-mahusay na trabahong kaya mo, hindi mo matatanggap ang pinaka-mainam para sayo. Ang pagpapatawad ang siyang tutulong sayong magkaroon ng tamang pag-uugali na aakay sa iyong magtagumpay sa iyong trabaho.
Ang matutunang patawarin ang iyong sarili ay tunay na mahalaga rin. Kung sinasaktan mo ang iyong sarili sapagkat hindi mo ito mapatawad, sinasaktan mo rin ang iba. Kung hindi mo papatawarin ang iyong sarili, pinaparusahan mo ito sa pamamagitan ng di pagtanggap sa mga bagay na maaring ikaganda ng iyong buhay. Sa tuwing pinagkakait mo ito sa iyong sarili, mas kaunti ang iyong naibibigay. Kung kaunti ang iyong naibibigay, kaunti lamang din ang matatanggap mo mula sa iba. Ngunit, kung hindi mo nililimitahan ang iyong tinatanggap, hindi mo rin nililimitahan ang iyong kayang ibigay. Lahat ay makikinabang kung patatawarin mo ang iyong sarili sapagkat pinahihintulutan mo ang maraming mabubuting bagay na darating sa iyong buhay, at magkakaroon pa ng mas marami upang ibahagi sa iba.
Sa sandaling ika’y nagpatawad; ikaw ay nagiging mas mabuting asawa, estudyante o guro, employer o employee, at magiging mas mabuting magulang o anak. Sa iyong pagpapatawad, mas nagiging bukas ka sa tagumpay sa anumang paraang mahalaga sa iyo. Habang ikaw ay natututong magpatawad, hindi lamang ang imposible ang nagiging posible, bagkus nagiging madali rin ito para sayo na abutin.
Kung ikaw ay relihiyoso o maka-Diyos, ang matutunan ang praktikal na mga paraan ng pagpapatawad ang hihinang at magpapalawak ng iyong karanasan sa iyong relihiyon o espirituwal na pagsasanay. Tutulungan ka nitong lumaya mula sa kaisipang hindi ka naging “mabuti” tulad ng iyong inaasahan. Bagkus, ay tutulungan ka nitong mag-isip na mula rito ay nanaisin mong maging mabuti. Ang pagpapatawad ang magpapatibay ng kabutihan mula sa iyong kalooban at mas magiging aktibo ito. Mararamdaman mo na lamang na hindi mo na ninanais pang gawin ang mga bagay na hindi mo dapat gawin, hindi tulad ng dati na nahihirapan ka. Magsisimula kang gawin ang mga bagay na dapat mong gawin, hindi tulad ng dati na nahihirapan ka rin.
Ang matutunang magpatawad ay makakatulong sayo; hindi ka nito masasaktan.
Ang pagpapatawad ay tunay ngang praktikal at makakatulong sa iyo. Hindi ito kinakailangan maging malabo o maging hindi praktikal patungkol dito. Ang pagpapatawad ang siyang magpapalaya sayo. Habang ikaw ay natututong magpatawad sa maraming problema (maari ring problema sa kalusugan) ay unti-unting maglalaho. Ito ay waring magbibigay sayo malawak na kaisipang tingnan ang mga bagay bagay mula sa mataas na lugar at nakikita ang mga pinaka-madadaling paraan kung paano pumunta sa mga nais mong puntahan. Ang buhay mismo ang siyang magpapakita nito sa iyo. Mga bagong opotunidad ang darating na para bang kung saan lang nanggaling. Mga masasayang bagay ang mangyayari habang nakikilala mo ang mga tamang taong dumarating sa buhay mo sa tamang panahon. Ang mga ideya at kasagutan ay bigla na lamang darating sa iyo kung kailan mo ito kailangan; isang kaibigan ang maaring magkomento, o maaring sa iyong pagbukas ng libro o magazine, o maka-rinig ng pag-uusap na magbibigay sayo ng mga kasagutang hinahanap mo. Bakit ito ganito? Sapagkat sa iyong pagsasanay na magpatawad, ikaw ay mas nagiging bukas sa mas mabubuting bagay sa iyong buhay. Kaya’t ganun din ang mabubuting bagay ay nagiging mas bukas para sa iyo.
Habang ikaw ay patuloy na natututong magpatawad, ang mga kakayahang natatago sa iyo ay lalabas, at patuloy mong madidiskubre ang iyong sarili na mas malakas at mas mahusay higit pa sa inaakala mo. Bahagi ng iyong sarili na hindi lumalago sapagkat naitanim ito sa tuyong lupain ng hindi pagpapatawd ang unti-unting sisibol. Unti-unting mong pakakawalan ang paghihirap at pagpapagod, bagkus ay makakahanap ka ng mas maiinam na daloy ng mga bagay-bagay at ang iyong buhay ay magiging mas maayos at kasiya-siya.
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
Worksheet ng Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
I-download ang libreng eBook
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad PDF
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad EPUB
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad KINDLE
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
Isang pinakamakapangyarihang paraan patungo sa iyong kalayaan, kaligayahan, at tagumpay.
William Fergus Martin
ISBN: 978-1-942573-49-4